Subscribe

RSS Feed (xml)

Powered By

Blogger Template From:
Free Blogger Skins

Powered by Blogger

Showing posts with label university. Show all posts
Showing posts with label university. Show all posts

Wednesday, October 19, 2011

Sa Aking Mahal



Wakas. Tapos na ang kabanatang ito. Apat na taong ko rin itong isinulat at kailan ma'y hindi ko maikakaila ang samu't saring kahulugan ng bawat pintig ng puso ko. Inakit mo ang musmos kong isip sa iyong mga katangian: malakas, mapanuri, at malaya. Dinala ko ang paghanga ko sa iyo nang ilang taon: pitong taon. 
 
Unang taon.

Sumugal ako para makita ka. Sa isang papel, isinulat ko ang pangalan mo nang may halong kaba at pananabik. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay ibinaling mo ang atensiyon sa isang tulad ko. Naging sunud-sunod ang mga pangyayari- ipinakilala mo ang sarili mo at ang mundo mo. Ang galing, pero hindi hamak na ang layo ng agwat ng edad natin. Matanda ka na.

Sa tiwala ng aking mga magulang ay pinayagan akong mag-dormitoryo para mas malapit sa iyo. Sa umaga, lagi mo akong ginigising ng alas- 5 para makapaghanda para sa alas-7 kong klase. Hindi ko ininda ang lamig ng tubig sa umaga, ang (minsa'y) maruming palikuran at ang (minsa'y) kulang sa pangsangkap na almusal. Hindi na bale ang ganoong eksena basta ang alam ko, naroon ka sa may pasilyo naghihintay na samahan ako sa pupuntahan ko. Madalas tayong tahimik habang naglalakad, nag-iisip, at nakikiramdam sa gitna ng basang simoy ng hangin. Tahimik pero masaya akong kasama ka.

Dahil wala kang sasakyan noon, ang hilig nating maglakad; sa ilalim ng sikat ng araw at buhos ng ulan. Nabuo ang mga kuwento sa bawat hakbang ng paa ko sa cemento. Ikinatuwa ko rin naman ang pagpayag mo na isama ang mga kaibigan ko sa kahiligan nating maglakad. Kasabay ng mga halakhak at hikbi, natuto akong makibagay sa mga anak ng negosyante, pulitiko, empleyado, manggagawa at magsasaka. Tao rin naman pala sila, marunong magyabang at posibleng masaktan.

Pagod man sa paglalakad, lagi mo akong pinapaalalahanan na hindi lumiban sa pagkain. Sabi mo pa nga, kailangan bawiin sa pagkain ang nawalang lakas. Kasama ng pagpakilala mo sa ibang kalalakihan sa hapag-kainan, ay nabigyan ng kaukulang pansin ito. Nang dahil sa pagmamahal na iyon, tumaba ako.

Pangalawang taon.

Hindi sapat ang tayo lamang dalawa. May ilang araw na hindi ako ang kasama mo at hindi ikaw ang kasama ko. May mga sandaling hindi ako ang nasa isip ko at (marahil) hindi ako ang nasa isip mo. Pero higit sa lahat, kahit na tayo'y magkalayo, nasa saloobin natin ang ipaglaban ang isa't isa sa mga mata ng mga mapanuring hangal.

Lumipas ang ilang buwan. Nagdesisyon akong lisanin ang dormitoryo at manirahan sa isang bahay sa loob ng campus. Sa kabila nito, nakahinga naman ako nang maluwag sa suportang ibinigay mo. Nabawasan man ang mga pagkakataon ng pagkikita natin sa mga pasilyo ng dormitoryo, sinikap mo naman na abangan ako sa kanto para makasakay ng Ikot.

Sa bagong mundo, namulat ako sa tunay na buhay estudyante. Ibinahagi mo sa akin ang iilang patnubay para mabuhay. Nariyan ang pagsabak ko at paglaban sa mapang-aping sikmura sa pamamagitan ng mga alagad ng kalye. Sa bahay, naging kakampi ko ang bareta at sinag ng araw. Natuto rin akong magkulong sa kwarto para matakasan ang alingawngaw ng tukso at pagkabasag ng mga tinig malapit sa pintuan. Naging kaibigan ko ang dilim, ang init, at pati na rin ang ipis.

Sa taong ito, unti unti kong nasisilayan ang totoong hugis ng mundong kinagagalawan mo. Nakilala ko ang mga kaibigang matagal nang mulat sa katagang parang baluktot na sa mga matatanda ko lang naririnig at ayon daw kay Herbert Spencer- “Survival of the Fittest.”

Sa pagkilala, sa pagsusumikap at munting pag-aaklas, nabawasan ang timbang ko. Nahawa ako sa kalaliman ng utak mo.

Pangatlong taon.

Bumalik ulet ako sa dormitoryo. Subalit hindi tulad nang dati, wala na akong pinaka-iingatang meal card, mas malawak ang pwedeng makasalimuha, at mas malaya (lalo na pagdating sa curfew). Sa kabila ng lahat, ang kalayaang tinatamasa ay para bang isang kandilang nakasindi at unti-unting nauupos. Nagrebelde ako.

Pang-apat na taon.

Mas naramdaman ko ang pagiging malapit sa iyo. Hindi ko akalain na minsa'y isa akong salta sa mundo mo, nangangapa sa kung paano makikibagay sa lahat ng taong bahagi ng buhay mo. Minsan rin akong nakaramdam ng pagkainis, pagkabigo, pagkalumo, at kung ano pang anyo ng pagdamdam sa iyo. Maaaring ang mitsa ng mga naramdaman ko ay ang pag-iisip na sa mga sumunod na buwan ay Pagtatapos na at maaaring hindi na kita makita pang muli.

Ang lahat ng pagtatampo ay kailan ma'y hindi mo pinatulan sa pagpapaalalang hindi ko kailangan ng awa para makakuha ng atensiyon. Kailangan kong maging buo, kahit man lang sa sarili. Kailangan kong lumaban at tumayo nang matuwid sa mga paniniwala ko.


Pagkalipas.

Apat na taon. Apat na kuwento at pagsipat sa mga pangyayaring minsa'y pinangarap na kathang-isip na lang. Apat na taong lumipas subalit pabalik balik sa bawat yapak ng mga paa sa tabi ng kalsada patungong sa kung saan man. Malabo pero malalim; ang pag-tanaw ko ng utang ng loob ay isa sa mga hibla ng pag-ibig ko sa iyo.

Minsan ko na rin inisip ang mahiwalay sa dumudugtong sa ating dalawa. Pagod na ako. Para bang ayoko tumanda na kasama ka. Mas pipiliin ko pang magkita tayo at masambit ang “uy! Namiss kita” kaysa sa makita kita sa, mahigit kumulang, tatlong beses sa isang linggo.

Minsan ko na rin inisip kung kailan mo ulet ako pakikiramdaman. Ang lahat ng mga nangyari simula sa apat na taong pagkakilala hanggang sa ngayon. Kailan mo nga ba ibibigay ang paglaya ko? Hindi na ako masaya subalit nasa saloobin ko pa rin ang mga alaalang hinabi mo sa kasalukuyang pagkatao ko.

Kung kaya't gusto ko pa rin ipaalam na ikaw nga ay aking mahal, minahal, at mamahalin. Isang taimtim na pasasalamat sa pagtagpo ng ating landas. Nai-ukit na sa akin ang tatak bilang isa sa mga nagmamahal sa iyo. Sa aking mahal, ano pa man ang susunod na mangyayari, patuloy kong itataas ang kanang kamao tanda ng paghubog at pag-aruga mo sa akin. Sa malayong lupa man ang aking marating, kailan man ay hindi magbabago ang damdamin.

Sa aking mahal.
U.P.

Thursday, September 29, 2011

Isang Pagpatay sa Taong Imburnal

RATED PG
The following entry is just a trick. This is not worth of your time, so you may leave this page. Clicking this link was highly appreciated. Thank you.


********************************

It was never my intention to create a negative impact on your lowly life, Jan Lloyd, after that 15-minute conversation, but then, I realized I should have done otherwise.

“All men are evil.” – Machiavelli

*********************************
I met up with a good friend to help her transact her brother’s cheque. Since she’s not quite familiar with the university, I agreed to accompany her in the shopping center to print out the necessary documents to claim the cheque. A few minutes later, we drove to the institution to talk to the “right man of the job”: Sir Jan Lloyd.  

Just like any other day, I greeted the guard with a smile. Then, I asked for Mr. Lloyd’s whereabouts and was told that he was at the Admin Office. My friend and I exchanged a short chat while walking along the corridor towards the office.

We arrived at the pink office door where the “ADMIN OFFICE” sign was fixed at the top. I knocked once and gently pushed the door. One staff approached us to entertain our query. I told her that we were waiting for Sir Jan Lloyd. She smiled and advised us to just enter through his mini office.

Sir Jan Lloyd was sitting in his soft cushioned arm chair, high enough to make him comfortable. I took a few steps inside hesitating to sit in any of the (guest) chairs in front of him. My friend was one pace behind me.

“O, ano un?”, he greeted us at the doorway.

“Sir, siya po (pointing at my friend) yung kapatid ni Samuel Milby. Ipa-followup…”, I replied.

“Eh, hindi ko na hawak un, kasi sabi sakin huwag ko na daw pakialaman”, he interjected while adjusting himself on his chair arrogantly.

I was a bit confused about his statements, interpreting the words as mine, so I defensively exclaimed, “Sir, siguro po nagkaroon lang ng miscommunication, pero hindi po ganon ang sinabi ko…”

“Ha! Dalawa ang tenga ko (pointing to his ears), iyon ang narinig kong sinabi sakin. ‘Pwede po bang ‘wag niyo na lakarin? Yung kapatid na lang po niya ang mag-aasikaso.’ Ako naman, eh sige. Pero para bang nabastos ako.”

“Sir, hindi naman po yun ang intensiyon ko noong nakausap ko kayo.”

“Hindi e. Ganon nga ang sinabi. Sa isip ko, ‘Aba, itong mga taong ito, tinutulungan na nga e sasabihan pa ako ng ganon. Para bang may porsiyento ako sa cheque na iyon’.”

“Sige po Sir. Kung iyon nga ang nangyari, eh sorry po…”, I was about to extend my apologies but he kept on talking.

“Madami na akong natulungan, pero parang pinalalabas ay may kukunin akong pera doon kaya ako sinabihan na huwag nang makialaman. Matagal ko nang nilakad iyan, andito pa nga ang mga records. Ang akala ko nga nakuha niyo na,e.”  

From confusion, my feelings shifted to uneasiness. I was sure I didn’t say anything about “huwag nang lakarin” but this person was so adamant about it. I focused on what he was saying looking for an opportunity to just say an apology again about what happened to appease him.

My friend might had felt the tension inside the room, so she interrupted, “Hindi ko naman po kasi alam dito. Tsaka actually po, mga once or twice ko lang po nasabi sa kanya (looking at me). Nahihiya nga po ako dito kaya ang nasabi ko nga po ay hingin ko na lang ang number niyo para direkta ko kayong makausap…”

“Oo, iyon pwede pa. Noong una nga, ang ganda ng pasok. Maayos ang usapan namin. Sabi ko ‘Sige, i-followup mo sa akin sa Friday’. Pero after mga 10 minutes ata, bumalik sakin at ang sinabi nga ay ‘Mang Floyd, pwede po bang huwag niyo nalang lakarin, at iyong kapatid nalang daw ang mag-aasikaso’. Iyon ang sinabi sakin.” He went on with, “Grabe, ang tagal kong iniisip ang mga sinabi sakin. Pero siyempre, sa akin lang iyon, ha. Ako naman ay tumutulong lang naman…”

“Sir, Sir!” , calling his attention about his incessant clamor, “Kung iyon man ho ang nasabi ko, hindi ko naman po intention iyon. Sir, I apologize po sa nangyari,” my voice moving more than a decibel higher than before. I also added that I didn’t get his number since he referred one person to look for at the Cashier’s Office.

“Okay na iyon, tapos na. Pero kasi…*blah, blah, blah*”

I just couldn’t understand how he was reacting to my apologies. My heart started to pound fast. I felt my blood rushing to my temples then to my eyes. My lips were more pursed. I changed my stance to defocus myself from making any further comments. I noticed my hands started to shake so I clutched on my back pack straps with both hands. I tried to calm myself lest I just shout, “TO H*LL WITH YOU! TAMA NA NGA, PARA KAYONG SIRANG PLAKA E! HETO NA NGA’T NAGSO-SORRY, EH AYAW NIYO PA RIN TUMIGIL! T*NG**A NAMAN O!”. I succeeded.

My friend was trying to ease the tension again, but without luck. Towards the end, I was on the verge of tears because of rage, that I blurted in a voice enough to be heard in the entire admin office, “GALIT PA HO BA KAYO SA AKIN?!”

“Hindi na, hindi na…*blah, blah*”

“Eh parang galit pa ho kayo e. So okay na po tayo?” He acknowledged half-heartedly.

“Iyon naman pala.” I turned to my friend, “tara na,” and automatically exclaimed, “thank you Sir!”. We left and walked back towards the exit of the building.

Nearing the guard's area where we first entered the building, I asked my friend to accompany me to the lab room to place the bottles of water and pastries I bought earlier. Putting my keys inside the keyhole, I noticed I was shaking again. As I went inside the room, I placed the groceries on top of the table, put my bag down on one chair, took my glasses off, slumped on another chair, and shouted, “T**G*NA NIYA!”. Worried that other people might hear us, she closed the door and sat on an empty chair.

I started to cry. It has been years since the last time I felt this type of anger. Almost every word was followed by “T**G*NA”, “G*G*”, “P*N**TA”, “P*T**G*S” among others. I vented out with foul language coming out of my mouth like wild fireworks. My friend told me to calm down (in case the dev*l was behind the door), directing me to drink water. I answered her that I don’t give an inch of a care if it was the case.

It was the first time I transacted business with him and didn’t expect him to act that way. In the first place, he was talking to clients. We were not his own kids deserving to be spanked because of petty exclamations. In his point of view I was a bit bossy but in my own point of view, he was apparently, evidently, clearly immature and UNprofessional.

Why put in emotions in business? Why never listen to someone and just blabber about OWN’s feelings about what happened ages ago? Why never direct all grievances to the person IN FRONT believed to have created the chaos within (i.e. instead of using “niya” why not use “ikaw”)?

TO MANONG JAN LLOYD (SINCE YOU DON’T DESERVE TO BE ADDRESSED AS “SIR” ANY MORE):


ALAM MO SAYANG, KASI RELATIVELY MATAAS ANG PAGGALANG KO SAYO KAHIT NA EMPLEYADO KA NG ISANG UNIBERSIDAD NA MAY LANTARANG BUDGET CUT. PERO P*T****NA NAMAN, GANON KA PALA UMASTA? HUWAG MO SANA MAMASAMAIN, PERO SA TOTOO LANG, ANG B*B* NG MGA PINAGSASABI MO. BUSINESS LANG MANONG. ALAM KO NAMAN NA MARUNONG KANG GUMAMIT NG TENGA PARA SUMAGAP NG SAMU’T SARING TUNOG PERO HINDI KA MARUNONG MAKINIG AT MAKAINTINDI. ANG SABI MO PA ANG GALING MO  SA PAGTANDA NG MGA BAGAY BAGAY, E BAKIT HINDI MO MAN LANG MATANDAAN ANG PAGPAPASALAMAT KO SA IYO? BINIGYAN KA NA NG PAGKAKATAON PARA MAILAGAY ANG SARILI MO SA DEHADO AT NAABALA, AT I-ANGAT ANG SARILI MO SA LUGAR NG TAMA, PERO KAILAN MAN AY HINDI KA LUMUNOK NG LAWAY PARA PAKINGGAN ANG PAGHINGI NG TAWAD MO AT MAGPALIWANAG MAN LANG. TSAKA PLEASE LANG MANONG HA, HUWAG NA HUWAG MONG BABANGGITIN ANG SERBISYONG GINUGOL MO SA UNIBERSIDAD KASI WALANG TAONG MAY INTERES PARA PANSININ ANG SERBISYONG MAY BAHID NG PANLILINLANG. HIGIT SA LAHAT, KUNG TALAGANG IPINAGMAMAYABANG MO NA ISA KANG MATAPAT NA NAGLILINGKOD, SANA LANG TAPAT KA DIN SA MGA SALITANG BINITAWAN MO- QUITS NA TAYO!
SIYA NGA PALA, GUSTO KO LANG IPAALAM SAYO NA SA SUSUNOD NATIN PAGKIKITA, MAAARING ITURIN NA KITANG ISANG PADER NA MAKAKASALUBONG KO. INGAT MANONG, NAPANSIN KO LANG NA PARANG MARUPOK ANG PAGKAKAGAWA SAYO NG UTAK KO.


***********************

“All men are evil.” – Machiavelli

Cliche as it may sound but really, I have my own set of flaws. I am in the process of nerve-wracking personality repair. I admit I still have my side of darkness, and today, I realized I am a half-blood b*tch



P.S. names were changed for intentional purposes.

 
 

Designed By Blogs Gone Wild!