Subscribe

RSS Feed (xml)

Powered By

Blogger Template From:
Free Blogger Skins

Powered by Blogger

Friday, November 18, 2011

Seasonal Seasoning

Para kang isang pista na minsan lang sa isang taon na nangyayari. Kinakailangan pa na magsabit ng bandaritas para maisigaw sa lahat na may okasyon. Pero tanong: ano nga ba ang meron?

Safe kong sabihin na higit isang taon na nating kilala ang isa't isa, at least, sa pangalan. Kung bakit nga naman kasi nag-hello ka pa noong pinakilala tayo ng isang kaibigan. At kung bakit ko nga naman kasi naisip na sa paraang iyon ay napaisip ako na may potential ka rin. 

Nakakabaliw na rin isipin kung ano nga ba ang pakay mo sa mga pasimpleng hirit sa tuwing may mga pagpupulong. Mabuti na lamang na sa mga samu't saring pakikitungo at relasyon ay halos expert na ako pagdating sa pagsakay. Pero sa totoo lang, nahihiya na rin ako sa mga reaksyon ko sa tuwing nababanggit ang pangalan ko at sa tuwing tatanungin ako ng iba nating kaibigan kung may namamagitan ba sa ating dalawa. Pati ang sarili kong sagot at paulit-ulit na "wala" ay pinagdududahan ko na rin. Wala rin naman akong matanungan nang maayos kung may katuturan ang mga naririnig ko tungkol sa ating dalawa.

Ano nga ba ang tamang sagot sa tanong na hindi dapat pag-aksayahan ng laway para sagutin? Anu-ano nga ba ang mga pamantayan para sa susunod na tanong ay alam ko ang mapangahas na sagot sa tanong na nakakarindi na rin ibato sa akin? Una, alam ko ang pangalan mo. Pangalawa, alam mo ang pangalan ko. Pangatlo, nakapag-usap na rin naman tayo (nang ilang beses). Pangapat...wala na. 

Sa araw araw na bumabangon at tinitignan ang telepono ko ay ni minsan ay hindi ka nagtext. Bakit nga naman tayo magtetext sa isa't isa nang walang kadahilanan, di ba? Oo nga pala, narinig ko na may pagka-mahinhin ka kaya sa bawat pagkuha ng atensiyon ko ay kinakailangan ng suporta sa kahit anong paraan; madalas-tulay na bulok naman. Pero kahit na may pagka-supladita at maldita ako, ay marunong din naman ako ngumiti kahit man lang sa text. Bakit hindi mo kasi subukan magtanong?  Hindi rin naman lahat ng sagot ko sa magiging tanong mo ay "hindi" kasi naniniwala ako na kalahati ng pagkakataon ay karapat dapat ang sagot na "oo". 

from image sketch


Siguro nga, wala naman talaga ako sa iyo maliban sa isang kakilala sa kung saan. Ilang beses na rin ako nagparamdam para magkausap tayo pero siguro nga ay hindi, man lamang, tayo magiging magkaibigan. Marahil wala sa plano mo ang makipagkilala talaga o panindigan ang mga pabiro mong pagpaparinig dahil siguro nga totoo ang tsismis na hindi ka pa naka-move on. Kung kaya, siguro kahit dumating man ang araw na kinakailangan ko nang umalis ay hindi ka pa rin gagawa ng kahit na ano. Magtanong ka o kahit man lang mag-aya para magkape tayo; hindi ko naman siguro kailangan ipagdamot ang sagot na "oo".

Alam mo, okay ka naman talaga. Kakaiba. Nakakatawa na nakakainis na minsan na sa dinami-dami ng mga kakilala ko, ay ikaw lang itong sobrang labo. 

Napanood mo na ba ang "3 Idiots"? Kung hindi pa, panoorin mo, wala lang: chill.

0 comments:

Post a Comment

 
 

Designed By Blogs Gone Wild!